BSP Official, pinako-contempt Dahil sa Leakage

PINAKO-CONTEMPT NI Senate President Juan Ponce Enrile ang bank examiner ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos mapatunayang nagsisinu-ngaling sa hiwalay na pagsisiyasat  ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na leakage ng bank records ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies sa ilalim ng chairman na si Sen. Serge Osmeña, mismong si Enrile ang nagsulong ng motion to contempt matapos makumbinsi na nagsisinu-ngaling si BSP bank examiner Jerry Leal nang inamin nito na nagkaroon siya ng access sa bank records ng punong mahistrado taliwas sa kanyang unang pahayag na hindi napasakamay ng BSP ang mga records ni Corona.

Dahil sa pag-amin ni Leal na nagkaroon ng access ang BSP sa mga bank records ng punong mahistrado, lumakas ang hinala ni Enrile na may kinalaman ang ahensya sa kontrobersiyal na leakages na siyang ginamit sa impeachment case laban sa punong mahistrado.

Sa ngayon, binigyan muna si Leal hanggang Lunes na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat patawan ng contempt sa kanyang ginawang pagsisinungaling.

Sa magiging paliwanag ni Leal, dito ibabatay ng mga miyembro ng komite ni Osmeña kung dapat bang i-contempt ang opisyal ng BSP.

Sakaling tuluyang ma-contempt, makukulong si Leal sa Senado hangga’t hindi ito nakikipagtulungan o nagsasabi ng katotohanan sa pagsisiyasat ng kapulungan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.