Bruce Quebral, nagtataka sa pagde-deny ni Wendy Valdez sa kasal nila?! – Morly Alinio

HINDI ANG PAGDATING ni Manny Pacquiao ang inaantabayan ng mga taga-showbiz kundi ang aktres na si Krista Ranillo matapos na ma-link ito sa Pambansang Kamao na ngayon ay umani ng maraming intriga.

Una, ito raw ang bagong pag-ibig ni Pacman.

Pangalawa, ang pamasaheng ginamit nito patungong Las Vegas kasama ang buong pamilya ay galing daw kay Manny.
Pangatlo, sa Las Vegas sa isang mamahaling hotel (luxury) daw tumuloy ang aktres, kung saan si Manny raw ang nagbayad ng board and lodging.

Pang apat, pagdating na pagdating daw ni Jinkee Pacquiao sa Las Vegas ay nagsagutan sila ni Manny at ang pinag-ugatan ay si Krista.

Pang lima at higit sa lahat, balak na raw makipaghiwalay ni Jinkee kay Pacman dahil apektado na ito sa isyung Krista Ranillo.

Ilan lang iyon sa mga katanungang kailangang sagutin ni Krista bukod pa sa isyu na kaya pinatulan ni Krista si Manny ay dahil tatakbong muli sa pulitika ang ama nito na si Matt Ranillo III.

Alam po namin na unfair sa pamilya Ranillo ang usap-usapan pero kailangan nila itong sagutin upang linisin ang kanilang pangalan lalo pa at may puwede silang ikatuwiran na bago pa sumampa ang mga paa ni Manny sa Amerika ay una nang nakarating du’n ang buo nilang pamilya dahil halos lahat sila ay American citizen. Huwag nating kalilimutan na ang lolo ni Krista na asawa ni Mrs. Gloria Sevilla na si Mr. Amado Cortez ay dating US ambasador.

Anyway nakatakdang dumating ng bansa si Krista sa November 22, kung saan ay buong tapang niyang haharaping lahat ang mga intrigang ibabato sa kanya partikular na ang diumano’y relasyon nila ni Manny.
NASA DUBAI NGAYON si Bruce Quebral at nagtataka ito bakit nagagawang mag-deny si Wendy kaugnay ng kanilang kasal. Say ng aming spy na very close sa dating aktor, “Wala akong nakikitang dahilan para itanggi ni Wendy ang kasal na nangyari sa kanila ni Bruce. In fairness sa dalawa nu’ng magpakasal sila, in love naman sila sa isat isa.”

Ang nakikitang dahilan ng ating spy kung bakit hindi magawang aminin ni Wendy ang kanilang kasal ni Bruce sa kabila ng katotohanang may ebidensiya naman na ikinasal na sila Mabalacat, Pampanga ay dahil nais nitong proteksiyunan ang showbiz career.

“My God ano naman ang dapat niyang proteksiyunan? Hindi naman siya youngstar… tsaka sikat ba siya?” May pagkainis at himig panlalait pa ng aming spy na nagsabi ring kung nandito lang daw sa Pilipinas si Bruce, tiyak na aaminin nito ang tungkol sa nangyaring kasalan. “Knowing Bruce na kahit ano pa ang itanong sa kanya, kung ano ang totoo, iyon ang kanyang sinasabi.”

Sa kabilang banda, mariing itinanggi ni Will Devaughn ang isyu na siya ang dahilan kung bakit napaaga ang paghihiwalay nina Bruce at Wendy.

“My God! Wala akong alam diyan. As far as I know, magkaibigan lang kami ni Wendy at never kaming nag-date nang kami lang.” Sabi ni Will na nagsabi pang ngayon lang daw niya nalaman na kasal na pala si Wendy kay Bruce.
GALIT SI ROSANNA Roces sa sariling anak na si Grace Adriano dahil walang kaalam-alam si Osang na pumirma pala si Grace ng kasunduan sa Revilla family na ang custody ng apo niyang si Budoy ay buong-pusong ipinagkakaloob kay Jolo Revilla.

Base sa pinirmahang kasunduan ni Grace ang pangangalaga at pagpapalaki, ipinagkakaloob niya sa amang si Jolo ang bata upang higit na makatiyak na magkakaroon ng magandang kinabukasan si Gab o si Budoy.

“Ang sa akin lang, ito Morly, gusto ko lang talagang magkaroon ng magandang kinabukasan ang aking anak. Hindi ko naman sinasabing hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan si Gab sa kanila (Osang) pero feeling ko mas maganda kung katabi kong lalaki ang aking anak tsaka hindi ko naman ipagkakait sa kanila si Gabby anytime na gusto nila,e, puwede nilang makuha ‘to. I mean wala naman kaming problema ni Grace at nagkakasundo kami.” Sabi ni Jolo nang makausap ko ito.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

One thought on “Bruce Quebral, nagtataka sa pagde-deny ni Wendy Valdez sa kasal nila?! – Morly Alinio

  1. NAKU JINGKKY,, KUNG MAHIRAP NG MABAGO MO SI THE GREAT MANNY,,, TULARAN MO NA LANG SA ISANG SENATOR NATIN.. ASK SOME ADVICE TOO…. BESIDES U R THE QUEEN AND LEGAL…UR SUCH A LUCCKY GURL HAVING A BILLIONAIRE MAN ATTACHED TO UR NAME…(IF THERES A LEGAL, THERES IS ILLEGAL) SO APPRECIATE THAT U R THE LEGAL..KAHIT MARAMI MAN SILA,, IKAW PA DIN ANG TAGA=PAGMANA NG BILYONES SE PESOSES….. OKEY?? SIMPLE SOLUTION

Leave a Reply

Your email address will not be published.