BRP Alcaraz, Depensa Kontra Territorial Intruders

KINUMPIRMA NG Philippine Navy na nakatakdang i-deploy ang BRP Ramon Alcaraz sa West Philippine Sea partikular sa Kalayaan Group of Islands, Benham Rise at iba pang islang nasa loob ng 200-mile exclusive economic zone.

Ayon kay Lt. Commander Gregory Fabric, Navy spokesman, malaking barko ito kaya may kakayahang makapaglayag nang matagalan at malayuan sa karagatan.

Sinabi ni Fabic na malaking tulong ito para mabantayan ang mga teritoryo ng bansa sa gitna ng tensyon sa territorial dispute sa Tsina.

Ang BRP Alcaraz ay mayroong 18,000 horsepower (13,000 kW) Pratt & Whitney gas turbines at kayang tumakbo sa bilis na 28 knots (52 km/h).

Mayroon itong retractable/rotatable bow propulsion unit para makapag-maneuver sa mga peligrong sitwasyon.

Ang naturang warship na isang Hamilton-class cutter ay mayroong Mk.75 Oto Melara 76 mm Compact main gun at nakatakdang dagdagan ng dalawang bagong Mk. 38 mod 2 gun systems.

Samantala, kabilang sa pangunahing features ng BRP Alcaraz ang flight deck at hangar para sa mga helicopter.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.