Brodkaster Ligtas sa Tambang; Kinasuhan sa Boga

DOBLE DAGOK ANG kapalaran ng isang brodkaster na bagamat nakaligtas sa pananambang ay nahaharap pa rin sa kasong kriminal.

Si Cosme Mahistrado, anchorman ng DXOC-1494 ay nahulian ng baril na kanyang gagamitiin sana upang ipagtanggol ang sarili.

Isa sa mga iniimbestigahan ng mga awtoridad ay kung nagtataglay ng permit to carry firearms ang cal .45 na dala nito at pinaputok umano nito sa suspek na nagtangka sa kanyang buhay.

Aalamin pa ng mga awtoridad kung may katotohanan din ang naganap na pananam-bang sa Maningcol Highway at Bacolod Street, sa Barangay Gango.

Una rito, napaulat na lulan ng kotseng Toyota may plakang TPD 969  ang biktima habang papasok sa istasyon nang tambangan ng  di pa kilalang armadong suspek, pasado alas-4:00 ng madaling-araw.

Agad na rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng Ozamis city police at inim-bestigahan na ang motibo ng krimen.

Nabatid na ang biktima ay sinasabing hard-hitting anchorman.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.