Broadsheet, Nag-Sorry sa Paggamit ng Pekeng P-Noy Time Cover

HUMINGI NG paumanhin ang Philippine Daily Inquirer (PDI) sa paggamit ng pekeng larawan na nagpapakita kay Pangulong Benogno ‘Noynoy’ Aquino III  bilang cover ng Time magazine.

Dalawang araw matapos mapasama si Pangulong Aquino sa Time’s 100 Most Influential People in the World, nalathala sa frontpage ng PDI ang pekeng larawan na agad pinag-usapan at kumalat sa mga blog at social networking sites.

Napag-alaman na ang naturang larawan ay isang “meme” mula sa Facebook page na “Showbiz Government”.

Bagama’t kabilang sa listahan ng mga influential leader ang Pangulong Aquino, pumipili lang ang Time ng pito mula sa 100 indibidwal na kinilala nito para sa cover portrait.

Ngayong taon, napili ng Time magazine ang recording artist na si Jay Z, US Senator Rand Paul, Bollywood star Aamir Khan, 2013 Oscars Best Actress Jennifer Lawrence, Malala Yousafzai ng Pakistan, Tesla founder Elon Musk, at Chinese tennis player Li Na.

Sa Twitter account ng Inquirer na @Team_Inquirer, inamin din nito ang pagkakamali at pinuri pa ang mga netizen na tumawag ng kanilang atensyon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.