Broadcaster, Inambus sa Nueva Ecija

DEAD ON Arrival sa Good Samaritan Hospital ang isang broadcaster makaraang magtamo ng tatlong tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril mula sa riding-in tandem, matapos ang ambush sa Flowerlane St., Brgy. Aduas Norte, Cabanatuan City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ni P/Supt. Eli Depra, hepe ng Cabanatuan City Police Station, kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Walter Castillejos, kinilala ang biktimang si Julius Caesar Causo, 52 anyos, news anchor ng Teleradyo DWJJ, at residente ng Brgy. Sibul, Talavera, Nueva Ecija.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:30 ng umaga, lulan ng motorsiklo ang biktima papasok sa kanyang trabaho nang barilin ito ng tatlong beses ng hindi nakilalang armadong lalaki lulan din ng motorsiklong walang plaka.

Si Causo ay isa sa kilalang hard-hitting comentator ng DWJJ local radio station, at Executive Vice President ng Nueva Ecija Press Club(NEPC) at miyembro rin ng Central Luzon Media Asssociation(CLMA).

Nabatid sa ulat ng pulisya na huli sa mainit na topic ni Causo ang usapin ng pagiging highly-urbanized city (HUC) ng Cabanatuan na kinokontra umano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa ilalim ng panunungkulan ni Gov. Aurelio Umali at mga kaalyado nito.

Dagdag pa rito na nagkaroon umano ng word war ang kalabang local TV network na tutol sa pagiging urbanized city ng nabanggit na siyudad.

Matatandaang Hulyo 4, 2012 nang ibaba ni Pangulong Noynoy Aquino ang Presidential Proclamation No. 418 para sa conversion ng Cabanatuan sa HUC na nakatakadang isagawa ng Comelec ang plebisto sa darating na Disyembre 1.

(TONY DELA PEÑA)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.