BRITON KALABOSO SA PAMBUBUGBOG SA MISIS

KALABOSO ANG ISANG British national nang isuplong ito ng kanyang misis na Pilipina sa kasong pambubugbog sa bayan ng Lasam, Cagayan. Kinilala ang inarestong dayuhan na si James Arthur Alexander, 72 anyos, mula sa England at nakatira sa Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City.

Ayon kay Shirley Bayucan, hindi na niya kinaya pa ang araw-araw na pananakit sa kanya ng mister kung kaya isinuplong na niya ito.Bilang ebidensiya, ipinakita ni Bayucan ang mga pasa sa katawan dahilan para umaksyon ang awtoridad.

Si Alexander na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and Children Act) dahil sa pambubugbog  ay hinuli ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office No. 2 sa pangunguna ni PO3 Ronel Saturno sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Francisco Donato ng RTC Branch 33 ng Ballesteros, Cagayan.

Ayon sa biktima, nais niyang ipa-deport at ipa-blacklist ang natu-rang banyaga para hindi na makabiyahe sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Bayucan, hindi na nito matiis ang pang-iinsulto sa mga Pinoy na binansagan nitong mga kurakot. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “BRITON KALABOSO SA PAMBUBUGBOG SA MISIS

  1. Pingback: BRITON KALABOSO SA PAMBUBUGBOG SA MISIS - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.