Britney Spears at Miley Cyrus magiging judge sa X Factor?

MAGIGING ISA raw sa mga judges ang singer-actress na si Miley Cyrus sa sikat na reality show sa US na X Factor.

Balitang mismong ang team ni Simon Cowell ang nag-approach at kinausap si Miley para okupahin ang isa sa dalawang nabakanteng posisyon matapos ang pag-alis ng dalawang judges nito na sina Nicole Zcherzinger at Paula Abdul.

“There have been talks with Miley,” sabi ng isang source na maaaring bahagi ng team ni Simon.

Kung nagkataong tanggapin ni Miley ang posisyon, mapapabilang siya sa hanay ng mga sikat na judges ng naturang reality show kasama sina Simon, L.A. Reid and mostly likely Britney Spears.

Kamakailan lamang ay ipinahayag ni Simon ang kanyang interest na kunin si Britney na maging isang judge sa naturang show: “I would love to have her on the show… I think she would be a fascinating person to sit next to.”

Balitang tumataginting na $12-15 million daw ang matatanggap ni Miley para sa unang season ng X Factor at maaari pang tumaas sa susunod na season depende sa magiging performance rating nito.

AMBER RILEY, HINIMATAY HABANG UMA-ATTEND NG RED CARPET

 

NAG-COLLAPSED ANG Glee star na si Amber Riley habang uma-attend ng TV Academy of Arts and Science sa North Hollywood para sa panel discussions sa harap ng mga voters ng Emmy.

Subalit, agad namang nahimasmasan ang Glee star at sinabing nahilo lamang siya sa mga flash bulbs ng mga paparazzi.

Sa twitter ni Amber, isinulat niya na, “Hey guys, I’m okay. I got a little dizzy from all the photog flashes.

“You’d think I’d be used to it by now, still a red carpet amateur I guess. Gonna get checked out but I feel fine. Thank you for all the concern and well wishes.”

Gumaganap na Mercedes Jones si Amber sa phenomenal show na Glee.

 

RIHANNA, AMINADONG MUNTIK NANG MAG-EMOTIONAL BREAKDOWN

 

INAMIN NI Rihanna na muntik na siyang mag-emotional break down noong isang taon.

Idinahilan ng kanyang emotional breakdown ay ang pressures ng kanyang kasikatan where she admitted she averted her attention in partying in low-grade nightclubs, during what was a demanding time for her.

Sinabi pa ni Rihanna na ang mga low-grade nightclubs ang tanging lugar na hindi siya masyadong pinagkakaguluhan at nakakakilos na ayon sa gusto niya nang walang mga fans.

Dagdag pa niya, naging enjoyable ang atmosphere niya kasama ang mga fellow club-goers: “Everybody is doing the same thing – dancing, having drinks. They’re too f**ed-up to care.”

 

TAYLOR LAUTNER ROMANCING AGAIN WITH HIS EX?

 

LOVE IS lovelier the second time around nga ba ang drama ngayon ng Twilight hunk na si Taylor Lautner?

Balita kasing focused ngayon ang aktor in rekindling his romance sa ex-girlfriend niyang si Sara Hicks, na isang cheerleader ng Los Angeles Clippers.

Kamakailan lang ay namataan sina Taylor at Sara na nanood ng Cirque du Soleil’s OVO sa Santa Monica.

 

JESSICA SIMPSON NAGLABAS NA NG DETALYE SA KANYANG BAGONG BABY!

 

NAGING MAILAP si Jessica Simpson sa kanyang pagbubuntis at maging sa kanyang panganganak ay naging malihim ang singer. Pero kamakailan lang ay nagbigay na rin ng impormasyon si Jessica sa kanyang first daughter sa fiancé niyang si Eric Johnson.

Ayon sa isang sikat na magazine, mas pinili raw ni Jessica na ngayon lamang maglabas ng impormasyon sa kanyang anak na babae. Maxwell Drew Johnson daw ang pangalan ng baby niya at tumitimbang daw ng 9 lbs. 13 oz. and measured 21 ¾ inches.

Sabi pa ng ex ni Nick Lachey, napili raw niya ang pangalan ng kanyang anak dahil Drew daw ang maiden name ng kanyang ina at ang Maxwell naman ay middle name ng lola ng kanyang fiancé na si Eric.

Hati naman ang opinion ng mga fans sa naging pangalan ng anak ni Jessica dahil too masculine daw ang pangalan na Maxwell para sa isang babae.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Comments are closed.