British National, Pinapak ng Kainuman

NILASING MUNA ng kainuman bago umano hinalay ang isang bakasyunistang British national sa Station 2 sa isla ng Boracay.

Dahil sa insidente, pormal na nagsampa ng kasong rape sa Branch 6 ng Aklan Regional Trial Court ang 23-anyos na dayuhan na itinago sa pangalang “Samantha” na taga-United Kingdom laban sa 36-anyos na nanamantala sa kanya na kinilalang si Carlos San Jose, 36, at residente ng Quezon City.

Ang suspek ay may part-time job sa isla na gumagawa ng dreadlocks sa buhok katulong ang kanyang girlfriend na isang Syrian national.

Base sa pahayag ng biktima sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naganap umano ang panggagahasa sa kanya noong Enero 26 sa isang resort sa nasabing isla.

Niyaya umano ang biktima ng salarin na kumain sa isang restaurant at kalaunan ay nagkainuman ngunit hindi niya akalain na pagsasamantalahan siya nito.

Agad na nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad na naging dahilan sa pagkadakip sa suspek.

Sa ngayon, nakakulong na ang salarin sa Aklan Rehabilitation Center (ARC).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.