British National, Natagpuang patay sa Davao

ISANG BRITISH national ang natagpuang wala nang buhay  sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Davao City noong Lunes ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Roger Thomas, 47 anyos, pansamantalang nakatira sa Room 3, Sorilla Boarding House, Molave St., Palm Village, Davao City.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa nang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto.

Pero bago pa nakita ang bangkay ng biktima ay nauna na itong nakita ng kanyang mga ka-boarding house na nagtungo sa CR at iniinda ang kanyang sakit sa tiyan at ulo.

Ilang minuto rin umano ang itinagal ng biktima sa CR bago ito lumabas na putlang-putla na.

Sinasabing may sakit na Herpes ang biktima at posibleng isa sa dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nasabing insidente. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.