Brineyk ng Textmate; Teenager, Nagbigti

WALA NANG buhay nang matagpuan ng kanyang pamilya ang isang teenager sa Barangay Danao sa bayan ng Baras sa Catanduanes.

Kinilala  ang biktima na si Romnick Carranza y Butial, 16.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakita na lamang ang biktima na nakabitin na sa kanyang kuwarto gamit ang nylon cord.

Sinasabing dahil umano sa labis na depresyon matapos na makipaghiwalay ang minamahal na textmate ang dahilan ng pagpapatiwakal nito.

Samantala, wala na ring plano ang pamilya ng biktima na isailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.