Brillantes: Posibleng Magbitiw Bago Ma-Impeach

AMINADO SI Comelec Chairman Sixto Brillantes na mas marami ang kakalaban sa kanya sa Kamara at Senado matapos magpatupad ng mas mahigpit na batas ukol sa pagdedeklara ng campaign contributions and expenditures.

Iisa pa lang mula sa 12 nanalong senador ang aniya’y gumawa ng tamang deklarasyon ng ginastos sa nagdaang eleksyon, habang ang 11 iba pa ay kanilang pinagmumulta dahil sa paglabag umano sa mga patakaran.

Dahil dito, malaki ang posibilidad na maipit siya sa bantang impeachment, lalo’t kamakailan ay nagsimula nang mangalap ng kinakailangang dokumento ang AES Watch para sa ihahaing impeachment case laban sa mga pinuno ng poll body.

Ikinokonsidera naman ni Brillantes na unahan na lang ng pagbibitiw ang planong pagpapatalsik lalo’t tapos na umano ang kanilang trabaho para sa 2013 midterm elections.

Samantala, sasagutin pa rin umano nito ang mga isyu para malinis ang sari-ling pangalan at maging ang komisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.