Brillantes, Napikon na Naman sa mga Kritiko

HINDI NAIWASAN ni Comelec chairman Sixto Brillantes na mapikon sa mga kritiko ng komisyon kaugnay ng kanilang

paghahanda para sa nalalapit na halalan lalo na sa isinagawang final testing and sealing ng mga PCOS machines.

Ito ay sa harap ng mga batikos ng ilang grupo na maaaring magkaroon ng malaking problema sa darating na halalan dahil sa mga aberyang naitala sa pagseselyo ng makina.

Ayon kay Brillantes, kung nagkaroon man ng aberya ang ilang PCOS machines sa final testing and sealing ito ay katiting lamang dahil hindi aniya umabot sa 100 ang bilang ng mga pumalya mula sa halos 40,000 PCOS machines na sinuri hanggang kamakalawa.

Hindi naman aniya problema ang mga pumalyang makina dahil agad itong pinalitan at sapat ang bilang ng mga nakareserbang PCOS machines sa Laguna na nasa 3,000.

Kasabay nito ay binuweltahan ni Brillantes ang mga kritiko kabilang na si dating Commissioner Gus Lagman na sinabing kayang magkaroon ng internal tampering sa PCOS machines at maaaring madaya ang resulta ng eleksyon.

Dahil dito hinamon ng opisyal ang dating commissioner na handa ang Comelec na bigyan siya ng 10 PCOS machines at patunayan ang kanyang mga akusasyon.

Samantala, inaasahan na hanggang ngayong araw ay makukumpleto na ang pagdating ng kontrobersiyal na 2013 source code kung saan ayon sa poll chief, handa na itong suriin ng mga interesadong partido.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.