Brillantes, isa pa, kinasuhan ng disbarment

ISANG DISBARMENT CASE ang isasampa ngayong Biyernes, Agosto 26 laban kay Commission on Elections (Comelec) Chair Sixto Brillantes, Jr. dahil diumano sa kasong forum shopping sa isang election case na kinasasangkutan ng isang Batangas mayor nu’ng nakaraang Mayo 10, 2010 eleksyon.

Ang kaso ay nag-ugat sa tatlong petisyon na isinampa ni Osmundo S. Maligaya sa pamamagitan ng kanyang abogado – Sixto M. Brillantes, Jr. at Robespierre Cu – na may parehong layunin na patalsikin sa puwesto ang nahalal na Sto. Tomas, Batangas Mayor Renato M. Federico.

Ayon kay Demetrio Custodio, abogado ni Federico, ang unang petisyon ay isinampa nu’ng Mayo 7, 2010 sa pamamagitan ni Atty. Jude A. Alaga. Samantalang ang pangalawa at pa-ngatlong petisyon ay isinampa nu’ng Mayo 20, 2010 at Hunyo 1, 2010, sa pamamagitan ng mga abogadong sina Brillantes at Cu.

Sa lahat ng petisyon, hiniling ni Maligaya na siya ang iproklama bilang mayor ng Sto. Tomas, Batangas sapagkat si Federico ay hindi umano lehitimong kandidato na dapat iproklama sapagkat ang kanyang certificate of candidacy ay isinampa pagkaraan ng Disyembre 14, 2009 ay void at invalid at nilalabag ang Sec. 13 ng RA 8678.

Kahit ang pangalawa at pangatlong petisyon ay naglalaman ng sworn certifications, ang mga ito ay hindi nagbanggit na may una pang petisyon na pareho ang hinihiling na nakasampa.

Sa pagsasampa ng disbarment case, idiniin ni Custodio na si Brillantes at Cu ay lumabag sa Adminsitrative Circular No. 04-94 at sa kanilang pinanum-paan bilang abogado na hindi gagawa ng forum shopping at magsusubmite ng false certifications of non-forum shopping.

Ang forum shopping ay isang basehan para lapatan ng disciplinary action ang nagkasalang abogado sapagkat ang unang katungkulan ng isang abogado ay tumulong sa korte para mapabilis ang takbo ng mga kaso.

Iginiit pa ni Custodio na ang forum shopping ay lumalabag sa rules 12.02 at 12.04, Canon 12 of the Code of Professional Responsibility.

Sinabi pa ni Custodio na titingnan din niya kung may basehan ang pagsasampa ng sanction laban kay Atty. George Garcia na siyang pumalit kay Brillantes bilang counsel ni Maligaya dahil sa paglabag sa anti-forum shopping.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.