Brillantes, ‘Di Magre-Resign

HINDI MAGBIBITIW bilang Commission on Elections (Comelec) Chairman si Sixto Brillantes.

Ito ang tiniyak ni Brillantes matapos magpahaging nitong nagdaang linggo na pinag-iisipan na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagod at inis sa mga nangyayari.

Tulad ng ipinangako, hindi pababayaan ni Brillantes ang halalan at titiyaking magi-ging maayos ang eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Brillantes, hindi siya magbibitiw dahil wala namang dahilan para gawin niya ito.

Nadala lamang aniya siya ng kanyang emosyon sa pagsasabing inis at tampo lamang ang kanyang naramdaman.

Plano na lamang niyang tapusin ang kanyang termino na magtatapos sa Pebrero 2015.

Humantong sa bingit ng pagbibitiw si Brillantes matapos ang serye ng reso-lusyon ng Supreme Court sa mga repormang inilatag ng poll body tulad ng usapin ng airtime limit ng mga political advertisement at party-list system.

Dismayado si Brillantes sa mga resolusyon ng Korte Suprema sa pagsasabing nababale-wala ang mga hakbang ng komisyon na baguhin ang sistema at lumalabas na SC na ang may kontrol sa halalan at hindi na ang Comelec.

Ayon pa kay Brillantes, hindi na siya umaasang maglalabas pa ang SC ng panibagong desisyon sa nasabing mga isyu at tatanggapin na lamang niya ito kung mayroon man.

Hindi na rin aniya kailangan pang makipagkita siya kay Pangulong Aquino na una nang humiling sa kanyang pananatili. Bagay na inamin ni Brillantes na nagpigil din sa kanya bukod pa kay VP Jejomar Binay na ikinagulat ang kanyang nais na pagbibitiw.

Lunes ng umaga, hindi dumalo sa nakagawiang flag ceremony si Brillantes, sa halip nagtungo ito sa Camp Crame para sa command conference ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP)

Pero kinausap nito ang Deputy Executive Director na si Helen Flores at sinabihang “walang bibitiw”.

Bagay na ayon kay Flores ay tinanggap ng mga empleyado ng poll body bilang senyales na hindi nga magre-resign ang Comelec Chairman.

Aminado si Flores na mula nang umupo si Brillantes sa komisyon, malaki ang naging pagbabago at napamahal na ang mga empleyado sa kanya.

Nananatili aniyang buo ang suporta nila kay Brillantes, tiwalang hindi sila nito iiwan at tatapusin ang May 13 elections.

Kasabay ng pananatili sa puwesto, tiniyak ni Brillantes na handa na ang Comelec sa May elections sa pagsasabing magiging “secure, honest” ang halalan at maayos na tatanggapin ang resulta sa kabila ng mga problema.

Sa ngayon, nasa implementasyon na ang poll body at nakalatag na rin ang mga paghahanda sa mga aberya.

Tutulong aniya ngayon ang dalawang bagong talagang komisyoner ng Comelec sa pagdinig ng mga kaso ng party-list na ibinalik ng SC.

Binanggit ni Brillantes na masaya siya sa takbo ng security preparations ngayon.

Samantala, bagama’t mayroon na aniyang 15 areas of concern at ilang lugar na nasa immediate at grave concern tulad ng Gingoog, Misamis Oriental kung saan dalawa ang patay sa pananambang sa convoy ni Mayor Ruth Guingona, wala namang lugar na kailangang ilagay sa Comelec control.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.