Brigada Eskwela 2013, Isinagawa na sa Navotas

BILANG PAGHAHANDA sa nalalapit na balik-eskuwela, sinimulan na ang programang Brigada Eskuwelan na suportado ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang taunang Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd)  o paglilinis, pagkukumpuni ng mga sirang gamit at pagpipintura ng mga silid-aralan bilang paghahanda sa pasukan sa Hunyo.

Ngayong taon, sa ilalim ng direktiba ni Mayor John Rey Tiangco, inahahanda na ng Navotas City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang mga kagamitang kakailanganin at mga volunteers na ipapadala sa 22 pampublikong paaralan sa lungsod na magsasagawa ng brigada.

Sinabi ni chief CENRO Joselito Osete, taunang isinasagawa ng kanilang tanggapan ang pagsuporta sa Brigada Eskwela upang siguruhing malinis at ligtas sa anumang sakit ang mga kabataang mag-aaral.

“Buwan-buwan, nagsasagawa rin ng clean-up activity sa iba’t ibang parte ng lungsod kaya hindi na mahirap mangalap ng mga kailangang gamit sa paglilinis,” dagdag pa nito.

“Magsasagawa rin ng anti-dengue spraying ang Navotas City Health Department sa mga paaralan upang siguru-hing ligtas sa nakakamatay na sakit lalo na’t inaasahan ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo at Hulyo,” ani naman ni Dra. Liberty Domingo, Acting City Health Officer ng lungsod.

Inimbitahan din muli ni Mayor Tiangco ang mga non-government organizations na kadalasang sumasama sa kanilang regular clean-up activity at anti-dengue campaign isa hanggang dalawang beses kada buwan upang suportahan ang programa.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.