Brief na naiwan, ebidensiya para matunton ang gang rapist

POSITIBO ANG PULISYA na mabilis nilang matutunton ang lalaking nanghalay sa isang dalaga sa General Santos City dahil hawak nila ang matibay na ebidensiya, at ito ay ang naiwang brief.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, pinaghahanap ngayon ang isa sa tatlong suspek na tinukoy lamang sa pangalang Dave Shane na nakilala ng biktimang si Anna sa pamamagitan na social networking site na Facebook.

Sa pahayag ni Jayson, 19anyos, kasintahan ng biktimang si Ana, ‘di tunay na pangalan, 16 anyos, narinig nito ang tila impit na iyak at ungol ng isang babae sa isang abandonadong bahay sa bahagi ng Barangay West GenSan.

Nang pasukin umano ni Jayson ang bahay, dito nito nakita ang kasintahan na nakahubo’t hubad habang nakasuot naman ng short ang suspek na si Shane.

Pinagbantaan umano ng suspek si Jayson na papatayin gamit ang isang kutsil-yo kaya ‘di ito agad nakakilos. Sa halip ay pinanood na lamang ang pagtakas ng suspek.

Makalipas lamang din ang ilang sandali, dumating naman ang nanay ng biktima na noo’y naghahanap sa biktima matapos na hanapin ito ng kanyang mga kabarkada.

Una nang nagpaalam si Anna na magtutungo sa bahay ng kanyang mga kaibigan kaya nang malaman na hindi ito kasama ay dito na agad hinanap si Ana.

Mismong ang nanay pa rin umano ng biktimang si Ana ang nakakita sa kulay itim na brief ng suspek na naiwan sa ibabaw ng kama, habang ang mga damit naman ng biktima ay nagkalat sa sahig.

Sa himpilan ng pulisya, aminado ang biktimang si Ana na hindi lamang isa kundi tatlo pang lalaki ang kasama ng suspek na si Shane ang gumahasa sa kanya, subalit nauna na umanong nakatakas ang tatlo nang maulinigan na may papasok sa nasabing abandonadong bahay. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Brief na naiwan, ebidensiya para matunton ang gang rapist

  1. Ganyan na ba kababa ang tingin ng mga kalalakihan natin sa kapwa natin ? We need stringent laws para matakot ang mga hayop na ito. Ito ang dapat unahin ng ating bansa. Everytime I open my computer to see what’s new in the Philippines, from Abante tonite to all the Philippine newspapers, puro rape ang nababasa ko. Maski sariling kamaganak, ginagahasa. Where are our sense of decency ? The whole nation is going to the dogs. Sa TFC, ang laman ng TV Patrol at Balitang America, walang araw na wala kang maririnig kung hindi pangmomolestiya. Nakakahiya tayo. Pati menor de edad, nangmomolestiya. Dapat kasuhan ang mga magulang ng mga ito para matuto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.