Bridge Experts at Structural Engineers, Inatasan na ng DPWH

INATASAN ANG ilang bridge at building experts mula sa Department of Public Works and Highways na magsagawa ng immediate assessment sa mga imprastraktura partikular sa mga pambansang lansangan at tulay bunsod na naganap na lindol noong Lunes, Pebrero 6, 2012.

Ayon kay Secretary Rogelio L. Singson, pa-ngunahing layunin ng may anim (6) na team ng mga inhinyero mula sa Bureau of Design, Bureau of Construction, at Bureau of Research and Standards ng DPWH ang siguraduhing nananatiling matatag ang mga istraktura partikular sa mga Rehiyon ng Western at Central Visayas na nakaranas ng lindol.

Ipinag-utos din ng kalihim ang pagsasagawa ng immediate restoration works upang muling mabuksan sa trapiko ang national roads na napinsala sa naganap na pagyanig.

Aniya, “Mahalagang kaagad na muling mabuksan at magamit ang mga national roads sapagkat ito ay kinakailangan para sa isinasagawang emergency relief services and operations ng pamahalaan sa severely damaged areas.”

Bahagi rin sa gagampanang assignments ng mga DPWH engineers ang pagsasagawa ng masusing inspeksyon sa mga public buildings sa dalawang rehiyon alinsunod sa kautusang ipinalabas ni Undersecretary Raul C. Asis para sa may labindalawang (12) kawani na bibigyang-suporta rin ng mga nakatalagang inhinyero mula sa concerned DPWH Regional at District Engineering Offices.

Bukod sa mga eksperto ng ahensiya pinakikilos ni Sec. Singson ang mga field engineers at maintenance crew upang magsagawa ng kaukulang inspeksyon sa buong kahabaan ng mga national at secondary roads na lubhang naapektuhan sa naganap na lindol.

Nabatid na ilan sa mga national roads kasama na ang ilang bridges sa kahabaan nito na unang naiulat na nagtamo ng matinding pinsala ay ang Dumaguete North Road sa lalawigan ng Negros Oriental, at ang Toledo-Pinamungahan-Aloguinsan-Mantalongon Road at Dalaguete-Mantalongon-Baclian Road sa probinsiya ng Cebu.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.