Brgy. Tresurer; 7 pa, Kulong sa Droga

WALONG KATAO, kabi-lang ang barangay treasurer ang inaresto ng mga pulis makaraang  mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa brgy, Binagbag, Angat, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Insp. Rex Moslares kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, ang mga suspek ay sina Mia Mercado, 35, dalaga; Graciano Varillay Herrera, 39; Christopher Juaquin, 37, kapwa residente ng Sitio Maiboy, Brgy. Binagbag, Angat; Mhandy Trinidad, 39, ng Brgy. Pulo, San Rafael; Victor Balarao, Jr., 39, barangay treasurer; Raymond Cruz, 39, kapwa ng Brgy. Tukod, San Rafael; Reynaldo del Rosario Jr., 42, driver; at Eduardo Lipana, 40, mekaniko ng Brgy. Sulucan, Angat, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, naglunsad sila ng buy-bust operation makaraang inguso ito ng isang concerned citizen kaugnay sa bentahan ng ipinagbabawal na droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 4 na sachet ng Shabu na nagkakahalaga ng P7,000, Shabu paraphernalia, 5 piraso ng bala ng shotgun at isang violet Yamaha Mio Soul Motorcycle na walang plaka.

Samantala kasong paglabag sa mga Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.