Brgy. Tanod, Pinakain ng Bala

PATAY ANG isang barangay tanod matapos na pasubuan ng baril hanggang sa kalabitin ng hindi nakilalang salarin habang nagsasagawa ng pagpatrolya sa isang digging site sa ipatatayong building sa Brgy. Rizal, Nabas, Aklan.

Wala nang buhay nang datnan ng mga papasok na construction workers ang nasabing biktimang si Tito Francisco, 53, at residente ng Brgy. Pawa sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman na ang biktima ay naatasang magbantay sa  lugar.

Si Francisco ay may tama ng bala sa kanyang bunganga at tumagos sa kanyang leeg na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ang masaklap ay wala umanong nakasaksi sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat  ang Nabas PNP Station sa insidente at inaalam pa kung sino ang salarin at tunay na motibo sa pamamaslang.

Samantala, wala ring narekober na ginamit na baril sa pinangyarihan ng krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.