Brgy. Tanod na Kandidatong Kagawad, Binoga sa Ari

HIMALANG NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang barangay tanod na umano’y kakandidatong barangay kagawad ng Brgy. Mojon, Malolos City ang pinagbabaril kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang  biktimang si Reynaldo Sante, 44 anyos, may asawa, at residente sa nabanggit na barangay.

Naganap ang insidente ng pamamaril ganap na alas-2:25 ng madaling-araw sa kanto ng Maunlad Ave. at Mabini St. sa nasabing barangay.

Ayon sa may bahay ng biktima, hindi makatulog ang kanyang mister dahil sa ingay ng mga pusang lampong, kaya nagpasya itong lumabas ng bahay upang bumili ng sigarilyo na halagang limang piso.

Labis naman ang pag-aalala ni misis nang hindi na bumalik ang kanyang mister. Makalipas ang isang oras, dumating na ang balita na nabaril ang kanyang asawa.

Bagama’t nakaligtas  sa tiyak na kamatayan, hindi naman nakaligtas sa tama ng bala ang kanyang manoy.

Nabatid na bago ang insidente ng pamamaril, isang lalaking armado ng baril ang halos dalawang oras naka-istambay sa lugar ilang metro lamang ang layo mula sa isang 24-hour convenience store, kung saan bibili naman ng sigarilyo ang biktima. Dito umalingawngaw ang tatlong putok ng baril na cal. 45.

Kung saan agad tinamaan ang biktima sa kanyang bewang na tumagos sa ulo na kanyang ari, dahilan upang makasakay pa ito ng kanyang motorsiklo at makalayo subalit muli itong pinaputukan na tumama naman sa kanang bahagi ng kanyang binti.

Ayon naman sa mga kaibigan ni Sante, ilang beses na rin umano itong nakatanggap ng death treaths mula sa text message na hindi umano pinansin ng biktima.

Bunsod nito’y nanawagan naman ang pamilya ng biktima sa mga nakasaksi sa pangyayari na magbigay ng impormasyon sa mga pulis upang mapadali ang paglutas sa kaso.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.