Brgy. Kagawad, Utas sa Ambush

NAPATAY ANG isang 49-anyos na barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek na nakamotorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Sta Lucia, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakailan.

Kinilala ni P/Inspector Ariel Huesca, spokesman ng PNP regional office ang napatay na si Kagawad Eliseo Chua Mituda ng Barangay Dumagoc. Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktima na kaangkas si Eduardo Lesmoras nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa hangganan ng Purok Lawis at Purok Makabibihag sa Barangay Sta Lucia.

Samantala, nakaligtas naman ang angkas nito matapos na makatalon mula sa motorsiklo at magtatakbo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.