Brgy. Kagawad sa Cagayan, Binoga ang Sarili

PATAY ANG isang barangay kagawad ng Abbeg, Alcala, lalawigan ng Cagayan matapos nitong mabaril ang sarili. Kinilala ang biktima na si Rodel Cristobal.

Ayon sa pahayag ni SPO3 Alvino Sorita, aksidenteng pumutok ang calibre .45 ni Cristobal matapos itong mahulog noong inilabas niya sa kanilang cabinet.

Tinamaan sa dibdib ang 45-anyos na biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Pupunta sana sa kanilang farm ang barangay kagawad kasama ang kanyang pamangkin noong mangyari ang insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.