Brgy. Kagawad, Pinatakas ang Suspek sa Pananaga

SUMASAILALIM NGA-YON sa imbestigasyon ang isang barangay kagawad makaraan umanong patakasin ang isang lalaki na nangungupahan sa bahay ng una na sinasabing tumaga at malubhang nakasugat sa isang 48 anyos na lalaki sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Si Brgy. Kagawad Angel Cruz, ng Brgy. 78, Zone 7 ng nabanggit na lungsod, ay masusing sinisiyasat ng Caloocan City Police matapos umanong patakasin nito ang suspek sa pananaga na nakilalang si Alvin Mariano, nasa hustong gulang at u-muupa sa bahay ng barangay kagawad.

Samantala, ang bik-

tima ng pananaga ay nakilalang si Mario Mapilix, 48, may-asawa at kabarangay ng nabanggit na kagawad.

Nabatid, dakong alas

-5:00 ng umaga nang tagain ng suspek ang biktima sa kamay at tagiliran habang ang biktima ay bumibili ng kape sa isang tindahan sa kanilang lugar

Base sa salaysay ng biktima, nakita umano ni Kagawad Cruz ang mga pangyayari su-balit wala itong ginawa bagkus ay pinatakas pa umano nito ang suspek na nangungupahan sa kanyang bahay.

Pinag-aaralan ng Caloocan Police kung puwedeng isangkot ang nasabing barangay kagawad sa nasabing insidente ng pananaga.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.