Brgy. Kagawad, Patay; Brgy. Chairman, Sugatan sa Ambush

INILUNSAD NG Maguindanao at Cotabato City PNP ang joint manhunt laban sa mga salarin na nanambang sa isang barangay kagawad at kapitan kamakalawa.

Sa naganap na krimen, patay ang barangay kagawad na kinilalang si Simpal Pababagan, 48, habang sugatan naman si Abdulnasser Andal, barangay chairman ng Poblacion, Ampatuan ng nasabing lugar.

Mula umano ang dalawa sa Cotabato Regional and Medical Center sakay ng kanilang sasakyan nang paulanan ng bala ng dalawang suspek na nakasakay sa motor.

Sinabi ni S/Supt. Danilo Reyes, police director ng Cotabato City na nagpadala na ito ng investigating team kay Maguindanao PNP police provincial director S/Supt. Marcelo Pintac para sa joint manhunt.

Gamit umano ng mga salarin ang kalibre .45 na armas na agad na tumakas matapos ang insidente.

Sa inisyal na pagsisiyasat, pinaniniwalaang matagal ng away sa pamilya o personal na galit ang motibo sa pamamaslang.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.