Brgy. Kagawad, Nanggahasa ng Menor de Edad

INIHAHANDA NA ang kasong isasampa laban sa isang barangay kagawad matapos ang ginawang panggagahasa sa isang menor de edad.

Ang suspek ay na-kilalang si Barangay Kagawad Noel Cortez ng Brgy. Aldeguer, Sara, lalawigan ng Iloilo; habang ang biktima naman ay 14-anyos na itinago lang sa pangalang Nene.

Nakipag-inuman umano ang biktima noong bisperas ng kapistahan sa kanilang lugar at nang malasing, pinasakay ng barangay kagawad sa minamaneho nitong motorsiklo.

Subalit sa halip na ihatid sa kanilang bahay, dinala ng suspek sa Brgy. Poblacion Ilawod sa nasabing bayan ang biktima at doon pinagsamantalahan.

Isinailalim na sa medical examination ang biktima para sa magiging batayan sa pagsampa ng kaso laban sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.