Brgy. Kagawad, Inutas ng Dating Sundalo

 

PATAY ANG isang barangay kagawad matapos itong barilin ng kaalitan na dating sundalo sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Guillermo Erfilua, barangay kagawad ng Talogtog sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng awtoridad na nagkainitan ang biktima at ang suspek na si Rolando Jugo, dating miyembro ng Philippine Army at residente rin ng nasabing lugar.

Dahil sa insidente, binunot ng suspek ang kanyang baril at agad na pinaputukan si Erfilua na nasugatan sa kili-kili.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Tumakas agad ang suspek matapos ang insidente pero naaresto ito sa bahay ng isang kamag-anak nito sa bayan ng San Fabian.

Nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang suspek at hinahanda na ang kasong isasampa laban dito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.