Brgy. Kagawad, Inamin ang Pagpatay sa 2 Magkapatid

TAHASANG INAMIN ng isang kagawad ng Barangay Parallan sa Maayon, Capiz ang ginawang pagpaslang sa dalawang magkapatid bilang pagdepensa sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Walang pagsisisi si Barangay Kagawad Renato Dilla sa ginawang pagpatay sa magkapatid na Michael Benedicto, 22, at Dondon Benedicto, 20 na kanyang binaril pagkatapos ay nilaslasan pa ng leeg.

Ayon sa suspek, sinadya nito ang dalawang biktima sa bahay nito upang kumprontahin sa pinaniniwalaang pagpatay sa kanyang anak na si Renato Dilla, Jr., 18, na unang sinaktan at tinambangan umano ng mga ito.

Sinabi pa rin ni Dilla na armado ng baril at kutsilyo ang magkapatid nang kanyang dinatnan kung kaya’t napilitan itong gumanti sa pagbaril kay Michael ng dalang 12 guage shotgun at pag-agaw ng kutsilyo mula kay Dondon na nilaslasan nito ng leeg matapos ang isang mainit na pagtatalo.

Iginiit ng suspek na idinipensa lamang nito ang sarili at ang pamilya laban sa magkapatid na nasangkot na sa maraming reklamo sa kanilang lugar.

Nag-ugat ang naturang insidente sa pambabastos umano ni Michael sa kagawad dahil sa muntikan nang pagkabundol ng apo nito.

Nakahanda ang kagawad na harapin ang kasong kinasasangkutan matapos sumuko sa mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.