Brgy. Chairman vs MILF; 3 Dedo

TATLONG KATAO ang nasawi nang magsagupa ang grupo ng barangay chairman at kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Col. Roy Galido, kumander ng 40th Infantry Battalion, ang mga nasawi ay mula sa kampo ni MILF Commander Abas Kudanding.

Pasado alas-10 ng gabi nang makalaban ni Kudanding ang grupo ni Barangay Lumupog Chairman Datu Renz Tukuran.

Sa takot ng mga residente sa lugar ay nagsialis at pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Sambolawan.

Sa datos, 250 pamilya ang lumikas at naninirahan ngayon sa nasabing barangay.

Tiniyak naman ni Galido na ipinaalam na nila sa MILF Coordinating Committee on Cessation of Hostilities ang pangyayari para sa karampatang hakbang.

Maging ang mga pulisya ay nagtungo na rin sa lugar upang i-secure ang mga residente.

Nilinaw naman ni Galido na rido o away ng angkan ang dahilan ng engkuwentro habang hindi rin nagsasalita sina Tukuran at Kundanding.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.