Brgy. Chairman, Tigok sa Ambus; Anak, Nakaligtas

DEAD ON arrival sa Meycauayan Doctors Hospital ang isang barangay chairman makaraang barilin ng isang beses ng hindi nakilalang lalaki na armado ng maikling kalibre ng baril kahapon ng umaga sa isang sabungan.

Kinilala ang nasawing biktima na si last termer Chairman Lauro Bartolo, 54 anyos, ng Brgy. Libtong, Meycauayan City, habang nakaligtas naman ang anak nito na si Butchoy, 23 anyos, residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-11 ng umaga nang barilin ang biktima sa loob ng sabungan.

Nabatid na bago ang insidente, tinawag umano ito ng isang lalaki, sabay putok ng baril na tinamaan sa bahagi ng tiyan, kung saan pinaputukan din ang anak nito. Masuwerte namang hindi na pumutok ang baril na hawak ng suspek.

Ayon sa anak ng biktima na nakaligats sa pamamaril, wala umanong alam na kaaway ang kanyang ama, maliban sa patuloy nitong pagpapahuli sa mga drug addict at drug pusher sa kanilang lugar.

Aniya, plano rin ng kanyang ama na sumabak sa darating na 2013 election bilang konsehal ng siyudad upang maipagpatuloy nito ang nasimulang programa na lipulin ang mga durugista sa nabanggit na lungsod.

Kaugnay nito dalawang anggulo ang tinitingnan ng mga awtoridad, na posibleng may kaugnayan sa pulitika o ang matinding paglaban sa mga adik ang dahilan ng pamamaslang sa kapitan del barrio. (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.