Brgy. Chairman sa Caloocan, Malaki ang Tiyansang Maging Brgy. Chairman of the Year

DAHIL SA katangi-tanging ipinamamalas ni Caloocan City Brgy. Chairman Celso S. De Leon ng Brgy. 70, Zone 6 ay naging malakas itong contender sa pagka-outstanding Brgy. Chairman of the Year.

Magmula nang ito ay mag-umpisa sa kanyang tungkulin bilang chairman ay nagawa nitong maging maayos, malinis at maganda ang kapaligiran sa kanyang barangay.

Ang mga dating umanong pasaway na kabarangay ay nagawang madisiplina ni Chairman De Leon at natutong sumunod para tahaking ang tama at mabuting landas.

Noong dati, ang mga pasaway na mga residente ay puwedeng lumakad nang hubad sa kalsada gayon din ang mga may tattoo sa katawan. Pero ngayon ay mariin itong ipinagbabawal na ng natu-rang punong barangay.

Dahil sa tamang pamamalakad ni De Leon ay wala nang makikitang tao na naglilimayon sa kalye nang walang sout na damit at mga taong puro tattoo sa katawan na lumalakad sa kalsada.

Sa pagpupunyagi ni Chairman De Leon ay nagawa nitong mapailawan ang lahat ng madidilim na kalsada sa kanyang nasasakupan dahilan upang  magwagi ang Barangay 70 sa patimplak ng street lighting contest.

Nanalo rin ang nasabing barangay sa paligsahan ng pagandahan, palinisan at patahimikan ng barangay sa buong lungsod na sumasakop sa district 1 and 2.

“Bilang isang bagong halal na punong barangay ay ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para ma-kagbigay ng magandang serbisyo sa aking mga kabarangay,” pahayag ni Barangay Chairman Celso S. De Leon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.