Brgy. Chairman, pinakulong ng mga utol

KULONG ANG ISANG barangay chairman nang pagbantaan ang mga kapatid habang may hawak na baril sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ni Emmanuel Cruz, 50, chairman ng Brgy. 79 at residente ng Nangka Rd., ng nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng hapon, pinatanggal ni Cruz ang plaka ng pampasaherong jeep ni Erwin Domingo na nakapila sa Lapu-Lapu St., ng nasabing lungsod.

Nagsumbong si Domingo sa kanilang presidente na si Rosalino Soledad na nagsumbong naman sa mga kapatid ni Cruz na sina Maria at Anghel.

Pinakiusapan ng magkapatid si Cruz sa kanilang bahay na isauli na ang plaka subalit nagalit ang chairman at inilabas ang baril bago pinagbantaan ang buhay ng mga utol.

Nakahingi ng tulong sa mga pulis ang isang kaanak ng mga Cruz na naging dahilan upang respondehan, subalit nagpupumiglas si Cruz nang aarestuhin. Wala na rin namang na nagawa pa ang suspek nang dalhin sa presinto kasama ang baril na kalibre .45 na walang papeles.

Nagreklamo naman ng pangingikil si Soledad dahil hinihingan umano sila ng P1,800 kada linggo upang makapagsakay ng mga pasahero sa Lapu-Lapu St., na sakop ng barangay ni Cruz.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.