Brgy. Chairman; Mag-utol, Todas sa Ambush

AGAD BINAWIAN ng buhay ang barangay chairman, habang namatay noon din ang dalawa pang magkapatid na kasama nito nang pagbabarilin riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Brgy. Madapdap, Mabacat, Pampanga habang lulan ng service vehicle na multi-cab.

Kinilala ng Mabacat PNP ang biktimang si Rodrigo Tongol, 51-anyos, barangay chairman ng Mesilipit, Bacolor. Nadamay naman sa pag-atake ang dalawa sa pitong sakay ni Tongol, ang magkapatid na sina Pedro, 60-anyos, at Merlito Pineda, 50-anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad papauwi na ng resettlement area si Kapitan Tungol, kasama an gang kanyang asawa, at dalawang anak, nang maganap ang insidente habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan ganap na alas-7 ng gabi sa boundery ng Mabalacat at Bacolor.

May teyorya naman ang mga pulis na ang pagtakbong muli bi-lang chairman ng kanilang barangay ang posibleng dahilan ng pamamaril gamit ang cal. 45 baril.

Nabatid sa asawa ng kapitan na kasalukuyan siyang nagte-text nang salubungin sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

Samantala, masuwerte naming hindi nasugatan ang asawa, at dalawang anak ng kapitan, na umano’y niyakap ng magkapatid upang mailigtas sa pamamaslang.

Kaugnay nito, patu-loy namiag nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ng mga pulis kung ano ang motibo at kung sino ang nasalikod na naturang pamamaslang.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.