Brgy. Chairman, In-ambush sa Harap ng Brgy. Hall

PATAY NA nang ida-ting sa Premier General Hosptal sa Cabanatuan City ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng isang lalaki na lulan ng kulay asul na motorsiklo na walang plaka na naka-sout ng kulay itim na bonnet, gray na T-shirt at kulay puting short pants na armado ng maikling kalibre ng baril.

Sa report na ipinadala ni P/Supt. Pedro Soliba, kay Nueva Ecija PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Walter Castillejos, kinilala ang nasawing biktima na si 1st termer Brgy. Chairman Quirico T. De Asis, 48 anyos, may-asawa, freelance Palay classifier, residente ng Brgy. Don Canuto Ramos, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Mario R. Pastor, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa biktima habang namamahinga sa harap ng barangay hall.

Nabatid na bago ang insidente, umaga nitong Sabado, nang mapansin ng kanyang asawa na tulala ito at tila nababalisa  ang padre de pamilya dahil sa dami ng kanyang trabaho kung saan katatapos lamang ng kanyang medical mission.

Lumitaw rin sa im-bestigasyon ng mga awtoridad na nakaupo sa isang monoblock chair ang kapitan sa harap ng  barangay hall nang lapitan ito ng suspek may tatlong metro lamang ang layo mula sa kinauupuan ng biktima at walang sabi-sabing barilin ito ng tatlong beses sa katawan.

Idinagdag pa ng asawa ng biktima na wala siyang alam na kaaway o kaalitan ng kanyang asawa, dahil nagtatrabaho lamang siya nang naayon sa kanyang kakayahan. Katunayan, aniya, marami itong natutulungan sa kanilang barangay partikular sa kalusugan ng mga residente.

Ayon naman kay Supt. Soliba, patuloy ang isinasagawa nilang malalimang imbestigasyon sa pamamaslang sa biktima, bagama’t itinanggi nitong tukuyin ang tatlong angulo ng pagpatay.

Bunsod nito’y nanawagan ang maybahay ng kapitan na si Gng. Christel sa mga salarin na sumuko at makunsensiya sana ito sa ginawang pamamaslang sa kanyang asawa.

(TONY DELA PEÑA)       

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.