Brgy. Chairman, Dedo sa Ambus

NASAWI ANG isang kapitan ng barangay San Antonio, San Pedro, Laguna matapos tambangan ng riding-in-tandem.

Kinilala ng San Pedro Police ang biktimang si Art Hatulan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, sakay ng kanyang Toyota Vios si Hatulan habang tinatahak ang main road ng Barangay San Antonio. Paghinto nito sa humps ay dito na siya biglang pinaputukan ng mga armadong salarin.

Agad na isinugod sa Beato Hospital sa Barangay Tunasan, Muntinlupa si Hatulan ngunit binawian na rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat sa naganap na insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.