Brgy. Chairman at Secretary, Patay sa Riding-In-Tandem

DEAD ON the spot ang barangay chairman at kalihim nito nang paulanan ng punglo ng riding in tandem sa Barangay Depore, bayan ng Bayog, Zamboanga del Zur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Francisco Arado at Editha Navarro ng nasabing barangay.
Sugatan naman si Brgy. Kagawad Ernesto Mancao at kasalukuyang ginagamot sa Zamboanga Del Sur Medical Center.
Naganap ang insidente alas-5 ng hapon sa harap mismo ng tahanan ni Arado, kung saan nag-uusap ang dalawa.
Ayon sa mga saksi, bigla na lamang sumulpot ang mga salarin lulan ng motorsiklo at saka pinuntiryang barilin si Arado habang nadamay lamang sa pamamaril si Navarro.
Sinabi ni 53rd Infantry Battalion Civil Military Officer Capt. Jefferson Somera, matapos ang pamamaril ay mabilis na tumalilis ang mga suspek sa direksyon ng Diplahan, Zamboanga Sibugay.
(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.