Brgy. Chairman; 1 Pa, Timbog sa Droga

TIMBOG NG mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay chairman na umano’y drug pusher at kasama nito sa isinagawang drug buy-bust operation sa Cagayan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang salarin na si Barangay Chairman Boby Jacobe, 38 anyos, ng Zone 3, Dalla, Baggao, Cagayan; at isang Edgardo Layaoen, 55 ng Tallang, Baggao, Cagayan.

Bandang alas-6 ng ­umaga nang masorpresa sina Jacobe at  Layaoen sa isinagawang operasyon ng PDEA Regional Office 2 (PDEA-RO2) Special Enforcement Team sa Brgy. Dalla, Baggao sa pangu­nguna ng umaktong poseur buyer na si  Director Juvenal Azurin.

Nasabat mula sa bahay ni Barangay Chairman Jacobe ang isang transparent sachet na naglalaman ng Shabu at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon laban sa mga  salarin.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.