Brgy. Captain, Patay sa Riding-in-Tandem sa Isabela

LABIS ANG pagdadalamhati ng mga kaanak ng barangay kapitan ng Marasat Pequenio, San Mateo, Isabela na binaril dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ng mga suspek na riding-in-tandem habang pauwi sa kanilang bahay.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng caliber .45 ang katawan ni barangay captain na si John Co na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Naisugod pa siya sa ospital ngunit binawian din siya ng buhay dahil sa malubhang tama ng bala sa kanyang likod at dibdib.

Pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo mula sa sentro ng San Mateo nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang suspek na sakay rin ng motorsiklo sa Barangay Daramuangan Sur, San Mateo.

Si Kapitan Co, 37, ay may negosyo sa buy-and-sell ng mga sasakyan. Ang kanyang misis at kanilang mga anak ay nasa Amerika ngayon.

Ayon naman kay Gng. Evelyn Azucena, kapatid ni Co, wala silang alam na kaaway at banta sa buhay ng barangay captain. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.