Brgy. Captain, Patay; Anak, Sugatan sa Ambus

DEAD ON the spot ang isang punong barangay sa Mexico Pampanga,. Sugatan naman ang anak nitong miyembro ng Sangguniang Kabataan, matapos tambangan kahapon bago magtanghali.

Sinabi ni PO3 Amiel Agustin ng Mexico PNP, kinilala ang nasawi na si Jose Gonzales Jr., kapitan ng Barangay Parian, habang sugatan ang anak nitong SK member na si Jason Gonzales.

Batay sa inisyal na im-bestigasyon ng PNP, sakay umano ng barangay patrol ang mag-ama dakong alas-11 kahapon ng umaga galing sa Brgy. San Miguel patungo sa Brgy. Poblacion nang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong suspek sakay ng isang motorsiklo.

Pinagbabaril umano ng mga suspek ang dalawang biktima na agad ikinamatay ng nakatatandang Gonzales.

Agad namang isinugod sa ospital sa San Fernando, Pampanga ang batang Gonzales.

Ayon kay PO3 Agustin, nagsasagawa na ngayon ng checkpoint at Oplan Galugad ang Mexico PNP para sa kanilang follow-up operations.

Sa ngayon, wala pang malinaw na motibong matukoy ang mga otoridad sa naganap na krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.