Brgy. Captain, Itinumba sa Loob ng Brgy. Hall

PATAY ANG isang barangay captain matapos na ratratin sa loob ng barangay hall sa Barangay 130 Zone 11 sa bahagi ng Buendia Street, Balut, Tondo, Maynila, Biyernes ng hapon.
Kinilala ang nasabing biktima na si Rolando Reyes, incumbent chairman na nasa ikalawang termino.Tatlo naman ang nasugatan sa insidente.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, pinasok ng isang lalaki ang barangay hall at binaril si Reyes gayundin ang asawa nito.
Nakapaglakad pa papalayo ang mga salarin ngunit hinabol ng mga barangay tanod at natamaan pa si Juanito Fausto.
Ayon sa mga nakasaksing residente na nakasuot ng short, T-shirt at sumbrero ang dalawang salarin na may bitbit na baril.
Nagawa pang isugod sa pagamutan si Reyes ngunit idineklarang dead on arrival. Nasa Tondo General Hospital naman ang asawa ng biktima at ang tanod.
Bukod naman sa dalawang nasugatan, tinamaan ng ligaw ng bala ang isang batang nakaistambay na kinilalang si Adrian Daguio na ginagamot sa Jose Reyes Hospital.
Samantala, patuloy na inaalam ng mga kinauukulan ang motibo sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.