Brgy. Captain, Inutas

HINDI NA umabot pa sa pagamutan ang 40-anyos na barangay captain matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo sa lalawigan ng Albay bandang alas-7:00 ng gabi kamakalawa.

Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang naging dahilan ng agarang pagkamatay ng ni Danilo Satuna y Bertiz, incumbent brgy. captain ng Cabarian, Ligao City.

Batay sa ulat na ipinaabot ng Ligao City PNP, dalawang anggulo ang tinitingnan ng mga kinauukulan na mabigat na dahilan sa pagpatay sa biktima.

Una ay ang away sa lupa habang ang isa naman ay ang ginawang pag-aresto ng opisyal sa isang Cafgu na posibleng naghiganti sa kanya nang magkaroon ng pagkakataon.

Samantala, nagpapatuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kapulisan at pagtukoy sa mga salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.