Brgy. Captain, Arestado sa Tangkang Ambush sa Pascual

MATAPOS ANG bi-gong pag-ambush kay VACC board member Emerson Pascual na kinamatay ng apat na katao at ikinasugat  ng isa pa nitong nakaraang Lunes sa Brgy. San Lorenzo, Gapan City, nadakip na sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ang suspek.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Bernard Orig kay PNP Provincial Director Nievez, kinilala ang nadakip na suspek na si Sta. Cruz Brgy. Captain Montano Barlis, nasa hustong gulang, habang tinutugis ang lima pang kasama nito.

Matatandang  ganap na alas-10:00 ng umaga nang paulanan ng bala ang sasakyan ni Pascual sa nabangit na barangay, kung saan unang nasawi ang driver bodyguard ni Pascual na si Rufino Vendivil, 44, habang  biktima naman ng stray bullets sina PO2 Jefferson Lim, Consuelo Manse, 86, anyos, estudyanteng si King Jasper Juvinal, habang sugatan naman ang isang Rodney Garcia, 16 anyos.

Nabatid sa report ng pulis na si Kap. Barlis ang masugid na tagasuporta ni dating 3-termer Gapan City Mayor Ernesto Natividad.

Samantala nasa  500 basyo mula sa cal. 9MM, cal.45, M14 rifle, AK-47 Rifle at isang M16 Armalite rifle habang na-recover na rin ang Toyota Hi-Lux na may plakang TT-1506 na ginamit sa pananambang.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.