Brgy at SK Polls Registration, Walang Extension

TINIYAK NI Comelec Chairman Sixto Brillantes na walang extension sa 10 araw na itinakdang registration ng Commission on Election (Comelec) para sa nalalapit na Barangay at SK election sa darating na October 28.

Iginiit ni Brillantes na sa darating na July 31 alas-5 ng hapon ang itinakdang deadline sa pagpaparehistro.

Ayon kay Brillantes, walang nakikitang valid reason ang poll body na palawigin pa ang registration.

Inaasahan ng Comelec na nasa 300,000 hanggang 400,000 registrants para sa barangay election habang nasa dalawang milyon na mga kabataan na may edad 15-17-anyos ang magpaparehistro para sa Sangguniang Kabataan (SK) election.

Samantala ,inihayag pa ni Brillantes na bukas ang Comelec offices sa buong bansa sa weekend upang bigyang daan ang pagpaparehistro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.