Brgy. at SK Polls Registration, Simula na

SIMULA NA ngayong araw, July 22, ng Commission on Elections (Comelec) ang voters’ registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa Oktubre 28.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na tatagal ng 10 araw ang registration period na magtatapos ng July 31.

Tinukoy pa ng opisyal na kahit weekend ay bukas ang registration period lalo na para sa mga estudyante na may pasok tuwing weekdays.

Pinapayuhan rin ni Jimenez ang mga qualified voters na magtungo sa mga Comelec offices sa kani-kanilang mga lugar para sa registration.

Una rito, tutol ang ilang mambabatas sa pagbuwag ng SK sa harap ng mga isyu na nagiging “breeding ground” ito ng korapsyon at political dynasties.

Inihayag nina Sen. JV Ejercito, Sen. Teofisto Guingona III at Sen. Bam Aquino, sa halip na buwagin, dapat rebisahin ang framework at ayusin ang panuntuan ng SK lalo na sa pananalapi.

Bagama’t aminado si Guingona na sa edad 15 hanggang 17-anyos na kasapi ng SK, talagang may kakulangan sila sa kaalaman kaugnay ng pangangasiwa sa pinansyal na aspeto.

Gayunman binigyang-diin nina Guingona at Aquino na kailangan ng mga kabataan ng isang institusyon upang marinig ang kanilang mga boses o hinaing.

Samantala, maghahain ng isang panukalang batas si Ejercito na naglalayong maisailalim sa reporma ang SK.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.