Break-up nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda, promong-promo

Louise-delos-Reyes-Enzo-PinedaNANGANGAMOY-GIMIK NAMAN ang balitang break na naman sila ni Enzo Pineda. Pakiramdam din ng marami ay promong-promo ang dating ng isyung si Aljur Abrenica diumano ang dahilan.

Paano nga raw mangyayari ito gayong alam ng lahat na very much inlove si Aljur sa girlfriend na si Kylie Padilla? And then sina Louise delos Reyes and Enzo naman, kahit napapabalitang split na ay nakikita pa rin daw magkasamang lumalabas.

Wala na bang ibang anggulo para ma-drum-beat ang publicity ng Kambal Sirena? Mag-isip na lang sana ng kapani-paniwalang slant para mas mai-promote pa nang husto at pag-usapan ang Louise-Aljur tandem.

Unang nag-break sina Louise at Enzo no’ng nagbida ang aktres sa One True Love. Pagkatapos ng nasabing primetime series, nagkabalikan sila. Ngayon namang may Kambal Sirena si Louise, break na naman ulit sila ni Enzo. At siguradong magbabalikan na naman pagkatapos ng fantasy series na ito.

So, everytime daw ba na may bagong soap na pagbibidahan si Louise, magbi-break sila ni Enzo? Tapos magri-reconcile after. Parang paulit-ulit lang daw nilang lolokohin hindi lang ang publiko kundi maging ang kanilang mga sarili.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Break-up nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda, promong-promo

  1. Nahuli yata sa balita ang reporter na ito.

    Saang bundok kaya galing itong reporter na ‘to at hindi niya yata alam na nagkakalabuan na din si K at A.

    Di ba may isyu pa nga sulutan kay G at K?

Leave a Reply

Your email address will not be published.