Brain Drain, Nais na Wakasan; Pinakamaraming Scientists, Na-Confer Ngayong Taon

PINAKAMARAMING NA-CONFER na scientists ngayong taon, batay sa Scientific Career System ng Civil Service Commission (SCC-CSC) na karamihan ay naninilbihan sa Department of Science and Technology (DOST) na ginanap kamakailan sa Lungsod ng Quezon.

Mula noong 1991, nga-yon ang may pinakamaraming bilang, ayon kay DOST Sec. Mario G. Montejo sa kanyang talumpati kung saan kabilang sa mga dumalo ay si CSC Chairman Dr. Francisco Duque III.

Sa panunumpa ng mga bagong conferred ngayon na mga dalubhasa sa iba’t ibang disiplina ng Agham, ang agam-agam ng marami lalo ng DOST ay ang pangamba ng tinatawag na “brain drain” o ang pag-alis ng ating mga dalubhasa sa bansa upang pakinabangan ang kanilang galing ng dayuhang nasyon.

Patuloy na gumagawa ng mga paraan ang DOST upang i-address ang suliraning ito, ayon kay Montejo na kahawig ng sinasabi ni Duque na dapat na palakasin ang Scientific Career System at mabigyan ng insentibo ang 20 bagong conferred na mga aghamista. Ngayon ay may 46 na aktibong siyentista na nakatala sa ilalim ng SCS. 7 sa 20 mga scientists ay buhat sa Agricultural Sciences na pinangungunahan ni Acd. Ruben Villareal, 3 sa Natural Sciences.

Kabilang din sa mga naging bahagi ng nasabing aktibidad ay sina National Scientist Lourdes Cruz, Pangulo ng National Research Council of the Philippines at Dr. William G. Padolina, Pa-ngulo ng National Academy of Science and Technology na mga Ex-Officio Members ng SCS, kasama nina Montejo at Duque at kapwa mga Ex-Officio Chair ng SCS.

(MJ Balaguer)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.