Boyfriend ni Rosanna Roces, ilusyon lang? – Cristy Fermin

PINAGTAASAN LANG NG kilay ng marami ang bagong press release ni Rosanna Roces na malapit na silang ikasal ng isang abogado raw na walang pananagutan sa buhay.

Naumay na siguro ang mga nakarinig sa kanyang kuwento, ilang beses na kasing nagsasabi si Osang na meron siyang karelasyong binata, magpapakasal na raw sila pero wala namang natuloy du’n kahit isa.

Meron pa siyang press release noon na may isang mayamang negosyanteng nainlab sa kanya, handa rin daw siyang pakasalan nu’ng lalaki, pero nalaman na lang ng mga pinagsabihan niya na hiwalay na pala sila ng businessman.

[ad#post-ad-box]

Imposible ang sinasabi ni Osang, hanggang ngayo’y kasal pa rin siya kay Tito Molina, hanggang hindi napawawalang-bisa ang kanilang kasal ay hindi siya puwedeng magpatali kahit kanino.

At mas maganda siguro kung mananahimik na lang siya, biglain niya na lang ang publiko, para paniwalaan na siya.

Tawa nang tawang kuwento ng isa naming source na dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ni Osang, “Naku, parang ‘yung isang press release lang niya ‘yun na meron daw silang paghahati-hatiang milyun-milyong piso ng mga kapatid niya.

“Naibenta raw kasi niya ang isang malaking lote, more than twenty million pesos daw ‘yun, pero wala naman pala. Kung totoong meron, ‘di sana, natubos na niya ang nakasanla niyang bahay at lote?

“Ang sabi niya, kinuha raw ng isang trusted friend niya ‘yung mga documents ng house and lot niya, wala raw siyang kaalam-alam, isinanla pala nu’ng taong ‘yun.

“Kung totoo ‘yun, bakit hindi niya kasuhan ‘yung tao ng falsification of documents? Bakit hindi siya magsalita sa mga talk shows para malaman ng publiko ang ginawa sa kanya ng taong ‘yun?

“Wala naman kasi siyang maituturo kaya ganu’n. Ngayon, may bagong press release na naman siya, magpapakasal na raw sila nu’ng binatang lawyer.

“Sana nga, totoo ‘yun, she deserves to be happy, anyway. Kaya lang, baka bumaba na sa puwesto ang mae-elect na bagong presidente natin sa 2010 pero wala pa ring nangyayari sa sinasabi niya,” impormasyon ng aming source.

NAPAKAALIWALAS NG MUKHA ni Korina Sanchez nu’ng kasal nila ni Senador Mar Roxas. Walang dudang maligayang-maligaya ang news anchor dahil pagkatapos nang limang taon, Mrs. Roxas na siya ngayon.

Maraming nagtatanong sa amin kung sino ‘yung guwapong lalaking nakasama ni Ate Koring sa pagmamartsa papunta sa altar,  bakit daw hindi ito nag-artista, guwapo pa naman?

Ang lalaking naghatid sa kanya palapit kay Senador Mar ay si Milano, bunsong kapatid ni Korina at pamilyado na ito ngayon.

Si Milano at ang pamilya nito ang nakatira sa kanilang bahay sa Merville pero lagi pa ring dumadalaw du’n si Korina para ayusin ang bahay, ‘yun na talaga ang hilig niyang gawin basta may libre siyang oras.

Habang nagmamartsa si Korina ay halatang pigil na pigil ang kanyang pag-iyak, emosyonal na siya nu’ng umaga pa lang, naalala niya kasi ang kanyang mga magulang na sayang dahil hindi man lang nasaksihan ang kanyang kasal.

Pero bago nagpunta sa Sto. Domingo Church si Korina ay dumaan muna siya sa puntod ng kanyang ama’t ina, nakasuot na siya ng traje de boda nu’n, pormal siyang nagbigay-respeto sa kanyang mga magulang at nagpaalam na rin sa pagpapakasal niya sa senador.

Sabi ni Korina, “’Yung pagsasama ng parents ko, ‘yun ang gusto kong mangyari sa relasyon namin ni Mar. Through thick and thin kasi, magkasama sila. Hanggang sa kamatayan, halos magkasunod silang nawala, hindi talaga sila nag-iwanan.”

Sa isang malayong bansa dapat sila magha-honeymoon, pero kapos sa panahon ang senador kaya magpupunta na lang muna sila sa Japan bilang patikim na honeymoon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

14 thoughts on “Boyfriend ni Rosanna Roces, ilusyon lang? – Cristy Fermin

  1. HOY cristy naturingan ka pa namang ninang sa kasal ni osang dati. talagang pag me magandang nangyayari namamatay ka sa inggit ..pano si satanas na lang papatol sa yo. susmiyo yung vocalist nga nung father and son hinada mo ikaw pa nagdadatung kadiri ka Bayaran.. at yung nagsasabing Laos…at least sumikat at di lang basta basta..phenomenal po ang pagsikat nya…di tulAD NG IBA DYAN DI PA SUMISIKAT LUBOG NA BWAHAHAHAHAHAHA. BAKA MAKITA MO NABILI NI OSANG NA BAHAY ngayon cristy akalain mo nasa bahay ka ni willy. hirap sa inyo nangmamata ka kaagad. o ayan bumaligtad na ang gulong ..ikaw estafa case pa din..si osang na inaakala nyong nag hihirap ..mga tanga di yan maghuhubad at magtyatyaga kung wala yang ipon. ibahin nyo yan sa lahat..ta marami pa natulungan..eh ikaw kristy????

  2. Uncle ko si Obama, how can you deport me. Sino sa tingin mo ang asal, bibig bakla Tiago, ikaw. Meron bang lalaki na kung ano ano lumalabas sa bibig, daig mo pa babae dahil wala kang respeto sa kapwa mo. Kung galit ka sa writer, you can criticize, but don’t use foul words.

  3. hoy yong nagpapangap na si james yap, subukan mong pumunta dito sa amin sa los angeles, at papadeport kita sa airport pa lang. bakla. bayaran ni cristy pangit fermin

  4. ikaw na nagcomment na james yap, pangit ka rin kasi. bakla ka pa siguro. wag kamg magreact para kang bayaran ni cristy aswang

  5. Why Tiago, do you also have a boyfriend? Dxbboy, why are you reading this, it means that you’re baliw? Grimland as grimlin, how do you look?

    • well isa lang ang sigurado mas gwapo akong d hamak kay james “bobo” yap. hahahahahahaha uminom ka na ng gamot tumutulo laway mo sa galit naku galaw galaw baka ma-HB.

  6. hoy baboy fermin pareho lang kayo ni rosanna roces ilusyunada, estapadora, bongangera at mukhang pera ang lamang lang nya syo maganda sya ikaw…PANGIT sobra!

Leave a Reply

Your email address will not be published.