Boyfriend ni Iza Calzado, walang hilig sa showbiz! – Gorgy’s Park

UMALIS NA KAHAPON ang magkasintahang Ogie Alcasid at Regine Velasquez patungong Australia para daluhan ang nalalapit na kasal nina Michelle Van Eimeren at ng Aussie boyfriend nitong si Mark Murrow.

Ayaw sabihin ni Ogie ang eksaktong araw ng kasal pero katulong daw sila sa preparation at siyempre may participation sila sa kasalang iyon.

Si Regine ang kakanta sa wedding march, kung saan kakantahin nito ang And I Love You So. Si Ogie naman daw ang host sa reception, kaya binibiro na raw niya si Michelle na baka dumugo na raw ang ilong nito sa kai-English.

Excited sina Ogie at Regine sa kasalang iyon dahil alam nilang ito ang magpapasaya nang husto kay Michelle.

Ikinu-consider ni Ogie na isang pamilya silang lahat dahil mananatiling ina pa rin daw si Michelle sa kanilang mga anak at si Mark ay nadagdag na ama sa kanyang mga anak. Nagpapasalamat pa nga ito kay Mark na siyang humahalili sa kanya bilang ama dahil hindi naman niya madalas na nakakasama ng dalawa niyang anak.

Mabuti’t naintindihan naman daw ito ng mga bata na kahit close na sila kay Mark, kinikilala pa rin siyang ama nito.

Walang komento si Ogie sa mga tanong kung kailan naman sila ni Regine, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila puwedeng magsalita tungkol sa mga ganu’ng bagay.

Patuloy pa rin daw sila sa pagdarasal na sana maging legal na ang lahat at puwede na nilang gawin ito ni Regine.

Excited na rin ang dalawa sa nalalapit na malaking concert na Kaya Natin ‘To, kung saan halos lahat na mga performers at artists ay makikibahagi sa isang malaking concert na mangyayari sa December 5 sa SM-MoA Concert Grounds.

Nagpapasalamat si Ogie dahil maraming sponsors ang nagbigay ng suporta dahil para naman ito sa lahat na mga nasalanta sa nakaraang bagyong Ondoy at Pepeng.

Ang kikitain sa concert na ito ay ibibigay nila sa Gawad Kalinga na may mga proyektong relocation sa mga pamilyang hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin sa nakaraang bagyo.

NAMATAAN NG PINOY Parazzi sa event ng Uno Magazine si Iza Calzado kasama ang non-showbiz boyfriend niyang si Atticus King.

As usual, si Iza pa rin ang humarap sa mga gustong mag-interview dahil mahiyain daw itong lalaki.

Hindi pa raw ito sanay sa showbiz kaya ayaw pa nitong magsalita at gusto raw niyang tahimik lang sa tabi ni Iza.

Iyon din naman ang gusto ni Iza na ihiwalay na ang lovelife niya sa kanyang showbiz life dahil mas mabuti raw ang ganu’n dahil personal naman daw iyon at hindi na kailangang isali pa sa kanyang trabaho bilang artista.

Happy naman daw sila ng ganu’n lang at mabuti, hindi raw mahilig sa showbiz itong si Atticus kaya wala siyang kamalay-malay sa mundo ng kanyang girlfriend.

Samantala, iniiwasan na ni Iza na pag-usapan pa ang tungkol sa dating bestfriend na si Sunshine Dizon dahil pinili na nga raw nitong manahimik na lang muna sa ngayon.

Pero hindi maiwasang makabit pa rin si Sunshine lalo na ngayong siya ang pumalit sa naturang aktres bilang isa sa mga council sa Starstruck 5 na nagsimula na.

Matagal daw niyang pinag-isipan bago niya ito tanggapin at nilinaw niya sa mga taga-Starstruck na hindi niya ito hiningi at kinlarong hindi niya ito sinulot mula kay Sunshine.

Wish ni Iza na sana natagpuan na ni Sunshine ang gusto nitong katahimikan at malagpasan na nito ang kung anumang hinaharap na problema sa ngayon.

Related Post

loading...

2 thoughts on “Boyfriend ni Iza Calzado, walang hilig sa showbiz! – Gorgy’s Park

Leave a Reply

Your email address will not be published.