Boy2 Quizon, may insidente rin kay Cedric Lee

Boy-2-QuizonBoy2-Quizon ITO NAMANG si Cedric ay may pasabog din pagkatapos ng hearing nu’ng Biyernes. Nakasama ang Startalk sa interview sa kanya sa tanggapan ng abogado niyang si Atty. Howard Calleja.

Doon inilabas ni Cedric ang sama ng loob niya sa ABS-CBN 2 dahil sa mga inilabas daw na kuwento sa kanya na hindi naman daw totoo.

Itinanggi niya ang lumabas na balitang binubugbog daw niya si Vina Morales, na itinanggi naman kinabukasan. Pati nga raw is Patricia Javier na na-link din sa kanya at suportado raw siya, kaya saan daw kinuha ng Dos ang mga balita tungkol sa kanya.

Sabi pa ni Cedric, sobrang unfair daw ang inilabas ng ABS-CBN 2 tungkol sa kanya na hindi man lang daw siya hinihingan ng pagkakataong maipaliwanag ang sarili.

Kahit hindi naman daw siya available para ipagtanggol ang sarili, wala pa rin daw karapatan ang ABS-CBN 2 na maglabas ng kung anu-anong kuwento tungkol sa kanya na pinalalabas daw siyang napaka-powerful at influential na tao. Simpleng negosyante lang daw siya.

Pero kuwento ng mga reporters na nakapag-interview sa kanya, mukha raw talagang powerful si Cedric bukod sa napakayaman niya.

Mukhang marami naman talaga siyang konek, pero itinatanggi ito ng negosyante. Simpleng negosyante lang daw siya na nasangkot sa ganitong gulo.

Ang isa pa palang tinanong ng reporter namin kay Cedric ay ang tungkol sa pagsugod daw ni Boy2 Quizon sa kanya sa isang bar nu’ng nakaraang linggo.

Ang kuwento kasi mula sa kampo ni Boy2, hindi raw nakaimik si Cedric nu’ng sinugod niya ito. Naawat lang daw sila, pero bubugbugin daw sana nila.

Pero sabi naman ni Cedric, si Boy2 raw ang hindi nakaimik nang iniharap ito sa kanya. Narinig daw kasi ng isa niyang kaibigan na may sinabi si Boy2 laban kay Cedric. Kaya dinala raw ito sa harap niya, pero hindi naman daw nakaimik si Boy2.

Hay, naku! Kung anu-anong kuwento ang naglabasan. Tingnan na lang natin kung ano ang kalalabasan ng gulong ito.

Basta ang gusto ko lang, mabigyan lang ng hustisya itong pambubugbog kay Vhong dahil hindi talaga niya deserve na ganu’nin siya.

Kuwestiyonable pa rin naman ‘yang angulong Rape. Ewan ko lang, ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Boy2 Quizon, may insidente rin kay Cedric Lee

  1. Cedric Lee can only bully people because he is surrounded by big men who has no brains. Cedric lee’s time Is up, Satan is ready t I take him along with cornejo, his sister and his brainless bodyguards.

  2. AND ONE OF THESE DAYS… LAHAT NG TAO THAT HE HAD ENCOUNTERED AND HAD A BAD EXPERIENCE WITH HIM AND HIS FRIENDS WILL COME BACK TO HIM 1000X FOLDS…. AND IT WILL COME ON A DAY WHEN HE NEEDS HELP THE MOST… I HOPE THAT DAY WILL COME.

  3. Agree ako sa iyo Lolita, hindi panaman ako sumasangayon sa iyo all the time. But I hope justice will be served and alam mo KARMA talaga ang gagawa ng paraan. Kahit ano pang bulok na style ni Cedric kunyari may lalantad ang isang rape victim!!! duh!! hindi na kailangan balikan ang lahat ng angulo sa panahon na iyun 2010 dahil ang dami ng nakaalam. WHO’S FAULT IS IT KUNG SA PANINGIN NG TAO NA MONSTER SI CEDRIC? IT’S ALL HIS FAULT BECAUSE PINAPAKITA NYA THAT HE IS!! AND YOU KNOW WHO I BLAME? IT’S HIS PARENTS TO HAVE A CHILD LIKE HE IS. SORRY THAT’S HOW I FEEL. THIS FAMILY MUST HAVE A LONG HISTORY OF BEING BULLY’S!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.