Boy2 Quizon, mariin ang pagtanggi na may relasyon sila ni Ruffa Mae Quinto

SA EPISODE ng Bubble Gang last week, pa-nay ang biro kay Boy 2 Quizon ng ilan sa cast ng nasabing gag show ng GMA 7 tungkol sa rumored girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto. Panay lang ang ngiti at hindi maka-react ang aktor.

“Eh siyempre, masaya. Kasi sa Bubble Gang, para na kaming pamilya do’n, eh,” katwiran ni Boy 2 nang makausap namin.  “So anything to do with… whether it’s personal or whether it’s something about friendship, barkada… it’s gonna be a family. Kaya lagi kaming bibiruin talaga. And you know, kami naman ni Peachy (Rufa Mae), sport kami no’n, eh. So walang problema do’n.”

Kumusta na ba sila ni Rufa Mae sa ngayon? “Okey naman kami. I can say na right now, mas okey kami nga-yon. Compared before. Kasi ngayon, parang… either way kasi, ten years din kaming magkasama, eh. So, ten years kaming magkasama sa Bubble Gang. At barkada kami.

“Tapos now that we’re into producing movies dahil business partner namin siya sa itinayo kong Brown Sugar Production, mas okey. Kasi mas nakapagbigay kami ng parang importansiya sa sarili to focus more on… towards work.

“At least now, I’m more focused now towards work. At iyon ang pinag-uusapan namin, mag-concetrate muna sa work.

“Kami ni Rufa Mae, I can say that whatever happens, we’re bound to… you know, mas okey ‘yong gano’n. Kasi mahirap isama ‘yong relasyon lalo na kapag mag-business partner kayo. And considering na sa mundo ng showbiz din… ‘di ba? Pareho kayong artista. You really have to compromise with a lot of ano rin, eh… mga bagay-bagay. At saka para mabawasa din ang intriga. Kahit anong mangyari, magtutulungan kami as a business partner.

“What I’m saying is… kumbaga, kung anuman ‘yong pinaghuhugutan namin no’ng tao, kasi matagal kaming nagsama sa Bubble Gang. Tapos nagkaroon din ng direksiyon na… lalo na ‘yong genre, comedy, eh.

“Kapag nag-uusap kami niyan, wala kaming ibang ginawa kundi… laugh trip na, eh. Tawanan lang talaga, eh. So, ma-incorpoprate man kami sa isa’t isa, you know… I can say na talagang close kami talaga.

“It’s just that now na you know, I’m not saying na kami. Hindi talaga kami. Pero as a business partner, she’s part of ‘yong ginagawa nga namin. Nagpu-produce-produce na kami. At isa siya sa mga taong nag-push sa akin to continue what I’m doing.”

May mga magkaibigan na kalaunan ay nagiging sila. Posible rin bang mangyari ‘yon sa kanila ni Rufa Mae? “Alam mo, hindi ko masasabi ‘yan, eh. Kasi, hindi kasi ako naniniwala sa mga plano, eh. Like minsan, hindi mo malalaman. At saka ang focus nga namin, specially her… ang focus niya ngayon is ‘yong career din niya at the same time. Ako naman, ‘yong business namin. At ‘yong career ko. And marami pa akong kailangang patunayan, eh.

“Hindi ko rin naman puwedeng i-level ang sarili ko. Because I can say na si RMQ has been there for a long time. And ako, marami pa akong gustong patunayan. So I think I need to focus muna on ‘yong talagang sarili ko.”

Wala talaga siyang dini-date na sinuman ngayon? “Wala. Wala muna.”

Si Rufa Mae, mukhang wala ring ibang guys na pumuporma. “Kung meron man siyang idi-date, it’s up to her. As long as maging masaya siya, eh, ‘di nando’n ako.”

Ganyan?

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Boy2 Quizon, mariin ang pagtanggi na may relasyon sila ni Ruffa Mae Quinto

Leave a Reply

Your email address will not be published.